Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Renewal at pagpaparehistro ng Business Permit hanggang sa katapusan na lamang ng buwan

(Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2013) ---Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang registration at renewal ng business permit sa munisipyo ng Kabacan, kasabay ng ipinapatupad nilang Business One-Stop Shop o BOSS para mapadali ang proseso at transaksiyon.


Ayon kay administrative officer Cecilia Facurib, ang renewal ng business permit at registration ay nagsimula nito pang Enero a-dos.

Sinabi nito na ang BOSS ay isang National Government program na ipinapatupad ng Department of Interior and Local Government sa bawat munisipyo ng bansa upang maiwasan ang delay sa mga transaksyon ng business applicants.

Dagdag pa rito, napansin nila na umaabot lamang sa higit 2 oras ang pagproseso ng mga dokumento ng mga negosyante sa nasabing programa kumpara sa ilang linggong pagproseso noon.   

Samantala, ipinapaalam naman ng mga kinauukulan na magtatagal lamang ito ngayong ika-31 ng Enero.

Para sa mga bagong negosyo, kinakailangan talaga ang mga kumpletong dokumento.

Para naman sa mga mag-rerenew ng mga business permits, dalhin lamang ang inyong dati o expired business permits.

Para sa mga gusto pang humabol sa Business One-Stop Shop, maari na kayong sumangguni sa Tanggapan ng Alkalde at dalhin ang mga kinakailangang dokumento para sa pag-renew at pagkuha ng inyong business permits. (Debby Piñero, DXVL News!)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento