(January 24, 2013) ---Bagama’t wala pang may
naireport na nagpositibo sa sakit na chikungunya sa lalawigan ng North
Cotabatao, pinapatutukan rin ito ngayon ng Department of Health Regional Office
12.
Ito ang sinabi ngayon hapon sa DXVL Radyo ng
Bayan ni DOH 12 Health and Education Promotion Officer Jenny Ventura, kungsaan
una ng inireport na may 12 kaso nito sa lalawigan ng Saranggani.
Nauna nang sinabi ng pinuno ng National
Epidemiology Center Dr. Enrique Tayag na bagama’t hindi ito kasing bagsik sa
dengue, kailangan pa ring bantayan dahil sa dulot nito sa taong nagkakasakit.
Wika pa ni Ventura na bukod sa nasabing
sakit may mga kaso rin ng dengue ang naitatala sa lalawigan.
Kung matatandaan sa bayan ng Kabacan sinabi
ni Municipal Disease Surveillance Officer Honey Joy Cabellon na may kaunting
pagtaas ng kaso ng dengue sa bayan noong nakaraang taon kumpara taong 2011 na
nakapagtala ang kanilang tanggapan ng 67 kaso ng sakit na dengue.
Ito rin ang isa sa mga nangungunang sakit sa
Kidapawan city.
Batay sa datos ng mga ospital sa lungsod, abot sa 2,245 ang kabuuang
mga pasyente ang naisugod sa iba’t-ibang pagamutan mula a-uno ng Enero hanggang
sa kasalukuyan.
Kabilang sa mga common diseases na naireport ay ang typhoid fever,
fever o lagnat, colds o trangkaso, cough o pag-ubo, LBM o pananakit ng tiyan,
dengue at pneumonia, kasama na rin dito ang mga nabigyan ng karampatang lunas
makaraang masangkot sa vehicular accident. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento