(Kabacan, North Cotabato/ January 23, 2013) ---Idineklarang
Muslim Legal Holiday ang araw ng Huwebes, January 24 bukas kasabay ng Maulidun
Nabi o kaarawan ni Propeta Muhammad.
Ito ay batay na rin sa Presidential Decree no. 1083 o
Code of Muslim Personal Laws of the Philippines.
Ang Maulidin Nabi ay ang paggunita sa pagsilang ni
Propeta Muhammad.
Isinilang si Propeta Muhammad sa Mecca noong taong 570,
gayung pumanaw ang kanyang ama
ilang buwan bago siya isinilang at ang kanyang ina naman ang namatay noong
musmos pa lamang siya, inalagaan ang Propeta ng kanyang mga kamag-anak mula sa
nirerespetong tribu.
Kaugnay ng paggunita ng kaarawan ng Propeta at batay sa nasabing
Presidential Decree epektibo ang holiday sa mga lugar na kasapi ng dating
Rehiyon 9 at 12.
Kabilang dito ang mga lalawigan ng Lanao del Norte,
Lanao del Sur, Maguindanao, Sultan Kudarat at North Cotabato.
Kasali rin ang mga lungsod ng Cotabato, Iligan at Marawi
City.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento