Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

4 barangay ng Kabacan, apektado ng baha

(Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2013) ---Binaha ang apat barangay ng Kabacan matapos na bumuhos ang malakas na ulan nitongmga nakaraang araw.


Ayon sa ulat ng Municipal Welfare and Development Office kabilang sa mga barangay na sinalanta ng baha ay ang Cuyapon, Kayaga, Salapungan at Brgy. Pedtad.

Agad din namang rumesponde ang MSWD kasama ang Municipal Agriculture Office para magbigay tulong sa mga pangangailangan ng mga residente.


Ayon sa report ni MSWD Officer Susan C. Macalipat, 688 pamilya ang apektado sa nasabing baha: 407 sa Brgy Cuyapon, 105 naman sa Kayaga, 30 sa Salapungan at 146 sa Pedtad.

Dagdag na rito, ang mga nasirang kabahayan, sakahan at mga pananim ng mga residenteng nasalanta.

Wala namang naitalang namatay o nasaktan sa nasabing baha at hindi naman umabot sa sitwasyon na kailangan ng mailikas ang mga mamamayan.

Sa ngayon, humupa na ang baha at naiwang sira ang mga pananim.

Patuloy pa rin ang pagresponde at pag-monitor ng M D Risk Reduction Management Committee ukol sa mga nasirang ari-arian at pangangailangan ng mga residente dahil sa patuloy na pagsama ng panahon. (Debby Piñero, DXVL News!)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento