Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

“Mga pananakot sa Pamantasan, wag i-entertain” ---VPAA Dr. Tacardon

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2013) ---Tiniyak ngayon ni USM Vice President for Academic Affairs Dr. Antonio Tacardon na ligtas ang University of Southern Mindanao kasabay ng pagsasabing huwag i-entertain ang anumang mga pananakot sa Unibersidad.


Ito ang sinabi ng opisyal kungsaan, ang nasabing pananakot ay dala ng mga taong walang magawang magaling sa buhay.

Aniya, gusto umano ng ilang mga kalaban sa administrasyon na guluhin ang university para walang mag-aral.

Una rito, nilinaw naman ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP na walang katotohanan ang mga kumakalat na text messages na galing umano sa kanila ang report na may mga itinanim na bomba sa loob ng USM.

Sa halip, sinabi nitong huwag nang ipapasa ang mga ganyang mensahe dahil sa puro pambubulabog at paninira umano sa kabuuang imahe ng Kabacan, ayon sa opisyal.

Sinabi pa ni Ajero na marami umano ang sumasakay sa isyu ngayon ng USM kaya sa panig naman ng pulisya at militar, sila ay patuloy na nakabantay at vigilante sa paligid.

Sa kasalukuyan, hati ang mga estudyante sa usapin ng USM, ito dahil sa ang ilan ay sumali sa nagpapatuloy na kilos protesta sa loob ng administration building habang ang iba naman at nasa prayer convocation na isinasagawa sa USM gymnasium.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento