Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga XRM na motor, muli na namang pinupunterya ng mga kawatan sa bayan ng Carmen, North Cotabato; isang tindahan nilooban din



(Carmen, North Cotabato/January 21, 2013) ---Ninakaw kahapon ng alas dos ng madaling araw ng mga di matukoy na salarin ang isang motosiklo na pagmamayari ni Glen Catulong Parsan, residente ng Leoncito Street  Poblacion Carmen North Cotabato.

Ayon kay Supt. Franklin Anito, ang bagong hepe ng Carmen PNP ang nasabing ninakaw na motorsiklo ay isang Honda XRM125 na may numero sa plaka na XV7949.
Ayon sa nagmamay ari ng motor, ipinark niya lamang diumano ang nasabing motor sa loob ng kanilang compound  at di namalayang kinawat na pala ito ng mga kawatan  na kung saan sa U-box ng nasabing motor ay naroon pa  ang OR , CR at iba pang mahahalagang dokumento ng motorsiklo.

Patuloy naman sa imbestigasyon at pagsisiyasat ang ginagawa ng Carmen-PNP sa nasabing nakawan.

Samantala, Nilooban nitong Sabado  ala una ng madaling araw ang isang tindahan sa Purok 6 Poblacion Carmen North Cotabato na pagmamayari ni Eva Dulaogon 58y/o  residente ng nasabing lugar.

Ayon sa may ari ng tindahan, nilimas ng mga kawatan ang mga sigarilyo na nagkakahalaga limang libo(5000 pesos), isang cellphone reloader, at mga barya na nagkakahalaga humigit kumulang apat na daan(400 pesos).

Ayon sa Pulisya, pwersahang pinasok  at ginawang entry point ng mga kawatan  ang main door ng nasabing tindahan upang isagawa ang pagnanakaw.

Patuloy pa rin naman sa imbestigasyon at pagsisiyasat ang ginagawa ng Carmen-PNP sa nasabing pagnanakaw. (Chriss Corpuz)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento