(USM, Kabacan, North cotabato/ January 21,
2013) ---Balik klase na ang mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao
simula ngayong umaga, matapos na naabala ng ilang araw nitong nakalipas na
linggo dahil sa nangyaring tensiyon gawa ng mga nagsasagawa ng kilos protesta.
Kaugnay nito, isasagawa ngayong alas 7:00 ng
uamag ang Pryaer convocation na pangungunahan ngmga administrative key
officials ng Pamantasan sa University gymnasium.
Hinikaya’t naman ang lahat ng mga
estudyante, faculty and staff ng Unibersidad na makiisa sa nasabing programa.
Samantala sa panig naman ng University
Student Government, inihayag ni USM Pres Jalvin James Gaspan na di pa tiyak ang
niluluto nilang mass movement para ipagpatuloy ngayong linggo ang kanilang
pagkalampag na pababain si USM Pres. Dr. Jess Derije dahil sa magpupulong pa
umano ang bawat lider ng kolehiyo.
Iginiit naman ni Gaspan na nakadepende naman
sa mga mag-aaral ng USM kung sasali ang mga ito sa ikakasang kilos protesta o
sa gagawing prayer convocation ngayong umaga.
Tinukoy pa nito na ang best interes sana ng
University ang mangibabaw lalo na ang kapakanan ngmga estudyante kungsaan,
sinabi nitong ang mga mag-aaral ng USM ang lifeblood ng Pamantasan. (RB ng
Bayan)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento