Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pambato ng DPWH, iniuwi ang korona ng Mutya ng Midsayap 2013



(Midsayap, North Cotabato/January 21, 2013) ---Nasungkit ni Jeanneth Sedavia ang kandidata ng CWL, DPWH, Legion of Mary St. Anthony at Bankers Association ang Mutya ng Midsayap 2013 bilang highlight ng Halad festival na ginanap sa Bulwagang Genoveva Deles Jaranilla ng Notre Dame of Midsayap College sa bayan ng Midsayap.

Habang nakamit naman ni Mary Irish Jane Postrado ang pangalawang puwesto na kandidata ng Notre Dame of Midsayap College habang nasa pangatlong puwesto naman ang nakuha ni Alvy Jean Recian na kandidatang Department of Education.


Pangatlong puwesto naman ang nasungkit ni Alvy Jean Recian na kandidatang Department of Education.

Nakuha din ni Sedavia ang minor awards tulad ng Ms. Photogenic, Best in Playsuit Attire, Best in Evening Attire, Best in Festival Attire at Best in Casual Attire habang nasungkit naman ni Jacky Mae Zamora kandidata ng St. Mary’s Academy at PRC Marketing ang Ms. Charity Award habang Ms. Friendship naman ang nakuha ni Postrado ang 1st runner up sa nasabing kumpitesyon.

Ang nasabing patimpalak ay may temang “Beauty and a Brain Pageant” kung saan ay nagpapaligsahan ang mga kalahok hindi lamang sa pisikal na kagandahan ng mukha kundi pati na rin sa tagisan ng talino sa pagsagot ng mga tanong na nagmumula sa mga piling-hurado ng naturang bayan.

Ito na ang ika 25 annibersaryo ng bayan kasabay sa pagpupugay ng kapistahan ni Sr. Sto. Niño, ang patronal Saint ng bayan ng Midsayap. (Randy Yap)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento