(Matalam,
North Cotabato/ January 22, 2013) ---Namahagi na kahapon ng tulong ang Municipal
Social Welfare and Development Office o MSWDO ng Matalam sa ilang mga residente
na sinalanta ng nagdaang baha bunsod ng patuloy na pagbuhos ng ulan sa bahaging
ito ng Mindanao.
Ayon
kay Matalam OIC MSWD Officer Marily Akmad, tinatayang aabot sa kabuuang 1,320
pamilya ang naapektohan sa nasabing pagbaha na dulot ng Intertropical
Convergence Zone (ICTZ) kung saan nag-iwan ng maraming kasiraan sa ilang mga
pananim ng mga magsasaka sa nasabing bayan.
Sinabi
ng opisyal na ang mga barangay na naapektuhan sa naturang bayan ay ang
sumusunod: Lower Malamote, Taguranao, Marbel, Ilian, New Pandan, Minamaing,
Natutungan, Manupal, New Abra, Arakan, Central Malamote, West Patadon, Taculen,
Kilada, Kabulacan, Latagan at Sta. Maria.
Agad
namang namigay ng tulong ang nasabing tanggapan kagaya ng bigas, noodles,
sardinas at mga damit na mula sa pondo ng LGU Matalam buhat sa kanilang
calamity fund. (Randy Yap)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento