(Kabacan, North
Cotabato/ January 22, 2013) ---Binaha ang anim na barangay sa bayan ng Kabacan
makaraang bumuhos ang mga pag-ulan simula pa nitongmga nakaraang araw.
Ayon kay Kabacan
Municipal Social Welfare Officer Susan Macalipat kabilang sa mga brgy na
sinalanta ng baha ay ang mga sumusunod: Cuyapon, Kayaga partikular na sa Sitio
Lumayong, Sitio Punol, Sitio Kalakat, Sitio Crossing Liton, Sitio Malabuaya,
Sitio Kibales, Sitio Basak, at Sitio Damanyog.
Bukod sa nabanggit
na lugar, binaha din ang Brgy. Salapungan, Brgy Pedtad, Brgy. Magatos, at Brgy.
Nangaan.
Agad namang umaksyon
ang LGU-Kabacan sa pamamahagi ng tulong gaya ng mga relief goods na pangunahing
kailangan ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.
Ayon kay Acting
Supply Officer ng Kabacan na si Mercedes C. Enanoria, namahagi na ang
LGU-Kabacan ng mga tulong gaya na lamang ng mga sumusunod: Isang daang sako ng
bigas, isang daang kahon ng noodles, limampung kahon ng sardinas, labing
tatlong sako ng asukal at 2500 pieces ng kape.
Lahat ng mga ito ay
maayos ng na-i-repack at naisupot ng mga empleyado ng LGU-Kabacan at grupo ng volunteers
na agad namang dinala at hinatid ngayong hapon sa mga lugar kung saan apektado
ang pagbaha. (Chriss Corpuz, DXVL news!)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento