(Matalam, North Cotabato/ January 21, 2013) ---Isang lalaki
ang biktima ng pananambang sa Barangay Kibia, Matalam, North Cotabato Kahapon.
Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Gilbert Hepte
Cortez, trentay-tres anyos, may asawa at residente ng Purok 7 Sitio Majalangit ng
nasabing lugar.
Sa inisyal na pagsisiyasat ngmga otoridad, nabatid na papauwi
na umano ang biktima galing sa bahay ng kanyang kaibigan ng hinarang ito at
binaril at pinalo pa ng kahoy ng dalawang suspek na kinilalang sina Arnel
Solomon at Jovanni Mondragon na parehong residente rin ng nasabing lugar.
Maswerte namang hindi napuruhan ang biktima at isinugod
ang sarili sa pinakamalapit na pagamutan sa bayan samatalang pinaniniwalaan
naman na lasing ang dalawang suspek ng mangyari ang insidente.
Sa ngayon, patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad
ang dalawang mga responsible sa nasabing krimen. (Randy Yap, DXVL News)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento