(Pikit, North Cotabato/ January 22, 2013)
---Nakatakdang ipatupad sa bayan ng Pikit, North Cotabato ang abot sa 13.5
milyong pisong proyektong pang- imprastraktura para sa taong 2013.
Ito ang nakasaad sa dokumentong inilabas ng
opisina ng 1st Congressional District kung saan inilagak ang
malaking bulto ng PDAF o priority development assistance fund sa pagsasaayos ng
mga kalsada sa nasabing bayan.
Ayon sa report ni PPALMA News Correspondent
Roderick Bautista, Kabilang dito ang concreting of roads sa mga barangay ng
Punol, Fort Pikit, Pamalian, Ginatilan at ang Datu Piang- Poblacion High School
road.
Isasaayos din ang mga kalsada sa barangay ng
Paidu Pulangi, Nunguan, Balong at Bualan.
Itatayo naman ang tig- iisang multi- purpose
building sa Barangay Inug- ug at Barangay Poblacion Pikit.
Sisimulan ang implementasyon ng proyekto sa
lalung madaling panahon kasama ang Department of Public Works and Highways
Cotabato Second Engineering District, lokal na pamahalaan ng Pikit at iba pang
stakeholders. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento