Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Libu-libong ari-arian ang binaha sa isang brgy sa bayan ng Matalam


(Matalam, North Cotabato/ January 21, 2012) ---Tinatayang mahigit-kumulang sa P800,000 ang sinasabing kasiraan sa mga ari-arian at mga pananim ng mga resident sa isang brgy sa bayan ng Matalam.

Ito ang inireport ng Matalam PNP kungsaan apektado ng nasabing baha ang barangay Arakan nang nasabing bayan.


Sa report ni Brgy. Kagawad Joel Sumindo, mahigit kumulang siyam na pung ektaryang lupain ang nasira na dulot ng pagbaha kung saan limampung ektarya rito ay maisan habang apatnapung ektarya naman ang palayan.

Bukod sa nasabing brgy, binaha rin ang Brgy. New Abra sa bayan ng Matalam dahil sa walang humpay na pagbuhos ng ulan nito lamang Sabado ng umaga hanggang Linggo ng hapon, ito ayon sa kanilang Brgy. Kapitan Sergio Alcalde Bulocan, Sr.

Sinabi nito na tinatayang P700,000 ang idinulot na kasiraan sa nasabing brgy maliban pa sa singkwenta ektarya ang kabuuang lupain ang danyos kasama na angmga iba’t-ibang pananim na play at iba pa.

Dagdag pa nito ang nararanasang mga pagbaha ngayon sa bayan ng Matalam ay dahil umano sa walang habas na pamumutol ng mga punong kahoy sa lugar.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insedente. (Randy Yap)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento