Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

suspected IED, nagdulot ng takot sa mga pasahero ng bus sa Matalam


(Matalam, North Cotabato/ January 25, 2013) ---Naglikha ng tensiyon sa mga pasahero ng isang Weena Bus ang inabandonang bag na pinaniniwalaang naglalaman ng Improvised Explosive Device.

Sa panayam ng DXVL News kay SPO1 Foilan Gravidez ng Matalam PNP negatibo sa lamang bomba ang nasabing bag na naiwanan ng isang pasahero na naglalaman ng gamit sa bangko na isang unit component type custom rectifier alfa power supply device na nakabalot sa cellphone at packaging tape.

Tinatahak umano ng nasabing bus na may Body number L-VII (58) at may plate number 498 ang kahabaan ng National Highway ng Matalam at pagdating sa Brgy. Patadon, Matalam ay pinababa ang mga pasahero.

Agad na ipinatawag ang Ordnance Explosive Division o EOD team ng 7th IB ilang metro lamang ang layo mula sa hinituan ng bus.

Bagama’t negatibo sa bomba at naglalaman lamang umano ng soundbox ang nasabing bag, nagpapasalamat naman ang mga alagad ng batas sa pagiging vigilante ng publiko hinggil sa mga hinihinalang bagay o bagay tao, ito para maiwasan ang mga karahasan sa lugar. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento