Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan Vice Mayor Pol Dulay; inihatid na sa kanyang huling hantungan


(Kabacan, North Cotabato/ January 19, 2013) ---Emosyunal ang mga kamag-anak, mga malalapit na kaibigan at kasama sa trabaho ng pinaslang na bise alkalde ng Kabacan, North Cotabato ni si Pol Dulay.


Ito makaraang inihatid na sa kanyang huling hantungan ang pinaslang na opisyal ng Kabacan kaninang hapon lamang.

Kaninang umaga ay isinagawa muna ang public viewing sa Municipal gymnasium matapos dinala sa simbahan para mag-alay ng misa at dasal kungsaan alas tres ngayong hapon ay inilibing na si Vice Dulay.

Binigyan ang opisyal ng 21 gun salute, dahil isa siya’ng retiradong pulis at nagpakawala naman ng tubig ang mga bumbero bilang pagpupugay sa opisyal matapos na naging kasapi din siya ng mga kagawad ng pamatay apoy.


Dinagsa ng libu-libo katao ang libing ng opisyal, kungsaan nagpapakita ito na marami pa rin ang nagmamahal sa bise alkalde na pinaslang ng di pa nakilalang suspek, alas 3:00 ng hapon noong Enero 11, 2013 sa USM Avenue. 




Samantala, si Kabacan Vice Mayor Policronio Javier Dulay Sr., ay ipinanganak noong Pebrero 17, 1942 sa Kabacan, North Cotabato.
Namatay ito sa edad na 70.
Kinilala ang kanyang may bahay na si Florita Aricheta Dulay at biniyayaan sila ng 5 mga anak, 2 lalaki at 3 babae.
Ang mga magulang ng bise alkalde ay sina Bernardino Campos Dulay at Alberta Javier Dulay.
Nagtapos si Pol ng kanyang elementarya sa Katidtuan elementary School taong 1956 at taong 1960 naka graduate siya sa high school sa MC Panabo Jr. College at nakapag-aral sa MIT dating USM at nag-aral ng kanyang vocational sa Davao Business School taong 1961 bago kumuha ng kursong Bachelor of Secondary Education sa Quezon College of Southern Philippine at nagtapos taong 1986.
Naging patrolman ang opisyal bago naging PFC taong 1975 at naging kasapi din siya ng Bureau of fire bago pumasok sa hanay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas taong 1977.
Matapos itong magretiro sa serbisyo, pinasok ng opisyal ang pulitiko taong 1998 na nahalal bilang konsehal ng bayan hanggang sa sunod-sunod na term nito kungsaan naging 1st kagawad ito sa dalawang termino.
Dalawang termina na rin ngayon bilang bise alkalde at muli siyang magpapa-re-elect ngayong midterm election bilang Vice Mayor ng Kabacan.
Nanging kasapi din siya ng Philippine Councilors League, Cotabato Provincial Councilors federation, Municipal Chapter Councilor League at Knights of Columbus C 7112.
Bilang tagapanday ng batas, marami siya’ng mga ordinansa at mga resulosyon ang naaprubahan sa Sangguniang bukod pa sa mga seminars at worshops din nitong sinalihan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento