Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM compound, napasok na ng mga raliyesta


(USM, Kabacan, North Cotabato/January 16, 2013) ---Binaklas ng mga grupong raliyesta ang isang tarpaulin banner na may larawan ni Pres. Jesus Antonio G. Derije matapos silang sumugod sa harap ng USM administration kanina eksakto alas diyes kwarenta ng umaga.

Ayon sa isang myembro ng grupong raliyesta na nakapanayam ng DXVL news team, hindi diumano karapat dapat umupo sa pwesto ang naturang presidente kaya nagawa nilang tanggalin ang tarpaulin banner nito.

Agad namang ipinalit sa banner ng mga grupong raliyesta ang isang tarpaulin na nanawagan sa Gobernadora ng North Cotabato na si Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza na may katagang nakasulat na: “Sa inyo na lamang po kami may tiwala para maging tulay namin sa paghanap ng katotohanan at katarungan para sa USM.”


Sa ngayon, ito na ang ikatlong araw ng isinasagawang kilos protesta ng mga raliyesta.

Nabatid na pasado alas 11 kaninang umaga ng pwersahang pinasok ng mga raliyesta ang loob ng Pamantasan gamit ang USM Main gate habang yung iba pa nilang mga kasamahan ay dumaan sa IMEAS at Machinery na gate.

Agad namang naglagay ng tolda ang mga raliyesta sa harap ng Administration building kungsaan hanggang ngayong hapon ay doon nila ipinagpatuloy ang kanilang panawagan.

Ipinakakalat naman ang pulisya at elemento ng military sa paligid kungsaan nagsasagawa ng kilos protesta ang mga raliyesta na ayon sa report ay mga outsiders at mga binayaran umano at galing sa ibang lugar. (Rb ng Bayan)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento