Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga saksi sa pagbaril sa bise alkalde ng Kabacan; pipigain para magbigay ng statement


(Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2013) ---Panawagan at apela ngayon ng mga empleydo at kaibigan ng napaslang na si Vice Mayor Pol Dulay sa mga saksi ng nangyaring krimen sa pagkamatay nito nito lamang a-onse ng enero.

Sa mensahe ng Presidente ng Kabacan LGU Employees Association na si Toto Calamaan, kailangang harapin ng mga nakakita sa pangyayari ang kanilang takot at magbigay ng kani-kanilang salaysay ukol sa nangyaring krimen.

Aniya, kung hindi raw nila haharapin ito ngayon pa lamang ay tiyak na mas dadami pa ang magiging biktima ng pamamaslang sa mga kawani ng gobyerno.

Sa nasabing prayer rally, sinariwa din nila ang mga huling ala-alang iniwan ng mahal na bise alkalde.

Sinasabi sa imbestigasyon na marami ang nakakita sa krimen kaya nananawagan silang lumutang ang mga ito at magbigay ng salaysay upang makatulong na mas mapadali ang pagkamit ng hustisya sa napaslang na Vice Mayor. (Johnry Ancheta)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento