(Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2013)
---Naging tensiyunado ang loob ng University of Southern Mindanao Main Campus
dito sa bayan ng Kabacan makaraang mapasok ng mga raliyesta ang compound
mag-aalas onse kaninang umaga.
Di naman sila napigilan ng pwersa ng USM
Security Force ng mapasok nila ang compound at agad na sinugod ng mga ito ang
harap ng USM administration building at naglagay ng tolda.
Panawagan pa rin nila sa harap ng admin
building na pababain si USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije sa pwesto dahil
umano sa mga korupsiyon nito at iba pang mga parating sa Pangulo.
Pero sa kabila nito, sa panayam ng DXVL News
kay Cotabato governor Emmylou “lala” Taliño Mendoza na di dapat masasakripisyo
ang pasok sa loob ng Pamantasan dahil sa nagpapatuloy na kilos protesta ng mga
ito sa ikatlong na araw na ngayon.
Ayon sa opisyal handa siyang harapin ang
dalawang kampo para sa isang negosasyon at matuldukan na ang krisis sa
Pamantasan.
Kaugnay nito, kaninang tanghali ay nag-usap
na umano ang mga lider ng raliyesta at si USM Pres. Derije sa harap ng
gobernador sa Provincial capitol sa Amas, Kidapawan City at hanggang ngayon ay
inaalam pa kung anu ang magiging aksiyon nito.
Samantala, mariing kinondena na ngayon ng
ilang mga estudytante at mga kawani ng Pamantasan ang nagpapatuloy na kilos
protesta sapagkat 1 o 3 porsiento lamang umano ng mga estudyante ang lumalahok
sa nasabing kilos protesta at nabatid na karamihan sa mga ito ay mga outsiders
at binayaran, ayon sa report.
Hindi na rin umano mga stakeholders at mga
estudyante ng USM ang nagsasagawa ng rally bagkus ay ilang grupo na galing sa
ibang lugar at ibang agenda na umano ang kanilang sinisigaw.
Bagama’t totoong may mga sintimiento ang
ilang mga grupo sa USM sa pamamalakad sa Pamantasan di na rin umano nila
matatanggap na mababalita sa labas na nagpoprotesta ang mga estudyante at ang
nais nila ay matuldukan na ang nasabing kaguluhan at makapag-aral ng maayos at
maibalik sa normal na dating sitwasyon ng USM, isa sa pinakamalaking ste
University sa bahaging ito ng Mindanao na higit sa anim na dekada ng nagbibigay
ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral nito. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento