(Carmen, North Cotabato/ January 14, 2012)
---Patay ang isang 39-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng mga di pa
nakilalang salarin sa Sitio Malugasa, Carmen, North Cotabato alas 10:30 ng gabi
nitong Sabado.
Kinilala ni P/CInsp. Jordine Maribojo, hepe
ng Kabacan PNP ang biktima na si Jessie Palencia, may asawa, magsasaka at
residente ng nabanggit na lugar.
Batay sa inisyal na report, sa tama ang ulo
ng biktima na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Narekober naman sa crime scene ang isang
empty cartridge gauge ng shotgun na ginamit ng suspek sa pamamaril.
Sa ngayon isa sa mga anggulong tinitingnang
motibo ng mga pulisya ay personal grudge habang ini-estbalish pa nila ang
totoong motibo sa pamamaril. (Chriss Corpuz)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento