(USM, Kabacan, North Cotabato) ---Mariing itinanggi
ngayon ng grupo ng mga nagsasagawa ng kilos protesta sa University of Southern
Mindanao na hindi umano malinaw at tila wala silang ipinaglalaban.
Sa dokumentong ipinarating ng grupo sa DXVL Radyo ng
Bayan, iniiisa-isa ng mga ito ang mga dahilan kung bakit nais nilang bumaba sa
puwesto si re-appointed USM President Dr. Jesus Antonio G. Derije.
Kabilang na rito ang mga kasong kinasasangkutan ng
Presidente na isinampa ng Watchful Advoctes for Transparent and Honest
Governance in North Cotabato o WATCH COTABATO.
Bukod kay USM Pres. Jess Derije
kabilang din sa mga respondents ng kaso mga miyembro ng Bids & Award
Committee na sina Dr. Antonio Tacardon, Mr. Orlando Forro, Prof. Naguib
Guiamal, at Dr. Abrahan Castillo.
Bukod sa mga ito, kasama rin sa mga respondents sina
Supervising Administrative Officer Bernabe Mondia, at Internal COA Auditor
Lucia dela Cruz. Ang mga kasong ito ay naindorso na umano ng Department of
Justice sa Office of the Ombudsman.
Kabilang sa mga asunto ay ang umano’y paglabag ng
Presidente sa RA 3019 o mas kilala sa tawag na Anti-graft and corrupt practices
act, at RA 7613 o Incompetence, Grave Abuse of Authority, Dishonesty, Conduct
Prejudicial to Service.
Ito ay nag-ugat sa mga umano’y maanomalyang pagbili ng
mga kagamitan para sa pamantasan.
Una sa listahan ay ang pagbili ng isang X-Ray
machine na gagamitin ng USM Hospital noong June 4, 2012. Ayon sa kopya ng
kasong isinampa, kinukwestyon ng mga ito ang pagkakapanalo ng kumpanyang ONE
MEDICAL CORPORATION na nagkakahalaga ng 3 million pesos.
Pinagtatakhan kasi ng
mga ito kung bakit ang naturang kumpanya ang nanalo sa bidding gayong ang
lowest bidder ay ang INSTRUMIX SUPPLIER INCORPORATED na ang halaga ay 1.9
million pesos. Kung pagbabatayan umano ay makpareho naman ang specifications ng
mga ito.
Pangalawa, ang pagbili ng unibersidad nitong February
2012 ng isng unit ng reconditioned o surplus dump truck na nagkakahalaga ng
P690,000.00 na i-tsi-narge sa Special Trust Fund ng FUND 164 na nakalaan lamang sa maintenance
ang other operating expenses at capital outlays sa unibersidad at maging
pagbabayad ng fringe benefits o authorized allowances ng mga guro at estudyante.
Bukod sa mali umano ang pinanggalingan ng pondo, hindi
rin ito dumaan sa bidding process.
Nagkaroon din umano ng re-alignment ng pondo
at natuklasan na ang naturang pondo umano na ipinambili ng dumptruck ay
ipambibili sana ng isang school bus.
Pangatlo sa mga ito ay ang pagbili ng TOYOTA FORTUNER, na
nagkakahalaga ng P1,468,100.00 na galing
din sa Trust Fund ng Fund 164 na malinaw na paglabag sa COA Circular 200-02.
Bukod ditto, hindi rin daw ito dumaan sa bidding process.
Kabilang din sa mga sinasabing may anomaly pa ay ang pagbili
ng Mitsubishi 4x4 backhoe loader na nagkakahalaga ng P1,475,000.00 na tsi-narge
sa FUND 164 o tuition fees ng mga estudyante ng USM Kidapawan City Campus.
+++++
Samantala, maliban sa nabanggit na akusasyon, marami pang
ibang concerns ang nakasama sa inihaing kaso laban kay Pres. Derije. Kabilang
dito ang pagpapasa ng resolusyon ng USM Board of Regents noong May 7, 2010 na
nag-aadopt sa Fact Finding Report na nagsasabaning sina Dr. Derije at Dominga
Thelma Bautista na nagpabaya sa kanilang tungkulin.
Ang dalawa, ayon pa sa dokumentong hawak ng DXVL FM ay
kapwa napatawan ng 90-day suspension without pay pero ang naturang suspension
ay bigong mai-served matapos magpalit ng liderato ng Chairmanship sa USM Board
kung saan si dating Commissioner Umar ay pinalitan ni Commissioner William
Medrano na umano’y kilalang malapit kay Pres. Derije.
Bukod dito, nabannggit din sa asunto ang GSIS remittances
na nagkakahalaga ng mahigit sa P3.8 million pesos na inilabas sa pamamagitan ng
dalawang tseke na umano’y nakacharge sa Fund 164 gayong kung tutuusin ay
naikaltas na ito sa sahod ng mga empleyado o ang buwanang GSIS premiums na
kinikuha sa Fund 101 o yaong pondong nanggagaling sa DBM. Malinaw umano itong
double funding, juggling of funds at technical malversation.
Kasama rin sa nais na sagutin ng Presidente ang patungkol
sa mahigit isang milyong pisong remittances sa One Network Bank na sinasabi
ring galling din sa Fund 164 kung pagbabatayan ang mga tseke inisyu pero ang
umano’y lumalabas sa Journal Entry Vouchers ay charge ito sa FUND 101. Maging
ang remittances sa USMECCO na nagkakahalaga ng P989,900.12 ay kinukwestyon din.
Kung susumahin ang lahat ng ito, ang naturang transaksyon
ay aabot ng mahigit P5million pesos na lahat ay umano’y illegally disbursed
mula sa Fund 164 sa ilalim ng administrasyon ni Dr. Derije at walang pahintulot
mula sa USM Board of Regents.
Samantala, damay din sa kaso si Internal COA Auditor
Lucia dela Cruz, matapos na tumanggi itong magbigay ng certified true copies ng
mga umano’y kwestyunableng transaction na pinasok ni Dr. Derije at iba pang mga
respondents.
Ang naturang asuntong inihain ng WATCH COTABATO ay
pirmado ng kanilang Presidente na si Mr. Abner Francisco. (Allan Guleng Dalo)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento