(USM,
Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2013) ---Iginiit ngayon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala”
Taliño Mendoza na wala sa kanyang kapangyarihan na pababain sa pwesto si USM
Pres. Dr. Jesus Antonio Derije, na siyang ipinaglalaban ngayon ng mga
nagsasagawa ng kilos protesta sa loob ng Pamantasan.
Ito
ang sinabi ng opisyal matapos na binisita nito ang USM Main Campus kaninang
tanghali para alamin ang totoong sitwasyon ng Pamantasan.
Dagdag
pa nito na ang kanyang pagpunta sa USM ay para tanggapin ang mga dokumentong
ibibigay ng mga raliyesta para patutuhanan ang kanilang alegasyon sa diumano’y
korupsiyon sa loob ng Pamantasan.
Matapos
na naparalisa ng mga raliyesta ang operasyon ng USM sa ikaapat na araw ngayon,
umaapela na ang gobernador sa mga nagsasagawa ng kilos protesta na ibalik na sa
normal ang operasyon ngayong araw para makapag-aral na sa susunod na lingo ng
maayos at mapayapa ang mga estudyante ng unibersidad, bagama’t hanggang bukas pa ang kanilang permit.
Samantala
para naman kay USM Pres. Dr. Jess Antonio Derije, tama ang ginawang aksiyon ng
gobernador ng probinsiya na pagtanggap ng dokumento ng mga raliyesta para
dalhin sa taas.
Ayon
sa Pangulo, hihintayin umano nito ang proseso matapos na naibigay na ang mga
dokumento sa kinauukulan.
Kaugnay
nito, sumasang-ayon naman si Dr. Alimen Sencil, isa sa mga lider ng nasabing
kilos protesta sa nasabing hakbang ng gobernador na dadalhin ang kanilang
naibigay na dokumento sa Pangulo ng Pilipinas.
Dagdag
pa ni Sencil na pabor ang kanilang grupo sa sinabi ng opisyal na ibalik na sa
normal ang pasok ng mga mag-aaral ng USm at mga kawani, pero ang pag-papaalis
sa kanilang grupo sa harap ng admin building ay siya pang kanilang pag-uusapan
ngayong hapon.
Hiling
kasi ng kampo ni Dr. Sencil na mag-file ng leave of absence ang Pangulo hanggang
sa katapusan ng duration ng election, kungsaan nagpahayg din ang opisyal ng
kanyang mensahe sa DXVL na makonsensiya umano si Dr. Derije sa dahil sa mga
nangyayari ngayon, ayon pa kay Sencil.
Nagpalabas
din ng reaksyion ang panig ng Non-Government Organization sa katauhan ni Abby
Pato mula sa kampo ng raliyesta matapos ang ginawang pronouncement ni Gov. Lala
na kungsaan ay nanindigan pa rin umano sila sa kanilang ipinaglalaban.
Dahil
sa lumalalang sitwasyon sa loob ng Unibersidad, namagitan na rin sa nasabing
usapin si Datu Jimmy Matalam, isa sa mga maimpluwensiyang datu sa lugar, aniya
dahil sa karamihan sa mga nagrarally ay mga Muslims, paki-usapan nito naitigil
na ang nasabing kilos protesta para sa gayun ay makabalik na sa pag-aaral ang
mga estudyante na ilang araw na ring nasuspendi ang klase at pasok ng mga
empleyado ng USM, resulta ng nagaganap na tensiyon sa Pamantasan.
Dahil
dito agad namang inatasan ngayon ni Dr. Derije ang Pulisya at militar kasama na
ang mga USm Security Force para ipatupad ang maximum tolerance para hindi
magkasakitan sa nasabing kilos protesta.
Sinabi
rin ng Pangulo na handa naman umanong makipagdiyalogo at pag-usapan kung anu
ang puno’t dulo ng nasabing krisis sa Pamantasan sa kanyang patuloy na alok sa
kampo naman ng mga raliyesta partikular sa mga lider nito.
Sa
ngayon nakapalibot naman sa USM Administration building ang mga pulisya at
ilang elemento ng militar habang nagpapatuloy ang nasabing kilos protesta.
Ang
bahagi naman ng USM Main gate ay isinara pa rin ng mga raliyesta pero maari naming
makadaan ang tao maliban na lamang sa mga tricycle at mga sasakyan.
Ang
daanan sa Machinery papuntang USM ospital ay binuksan na rin kungsaan inalis na
rin sa lugar kahapon ng hapon ang malalaking sasakyan na nakaharang doon.
Dumating
rin ang dalawang tangke de giyera tropa ng military para i-kontrol ang nasabing
daanan.
Sa
kabuuan bagama’t naging tensiyunado sa ikatlong araw ng kilos protesta ay sinabi
ng mga pulisya na naging mapayapa naman sa ika-apat na arawa ang nasabing rally.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento