Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mutya ng Midsayap 2013; isa sa mga highlight ng Halad Festival


(Midsayap, North Cotabato/ January 16, 2013) ---Gaganapin na bukas Enero adise-syete ang Mutya ng Midsayap 2013, sa ganap na alas syete ng gabi sa Bulwagang Genoveva Deles Jaranilla ng Notre Dame Of Midsayap College, Gymnasium.

Ang nasabing patimpalak ay may temang “Beauty and a Brain Pageant” na kung saan magkakatunggaling ang mga partisipante hindi lamang sa pisikal na kagandahan kundi pati na rin sa tagisan ng talino.

Ang mga kalahok sa nasabing patimpalak at ang kanilang mga naging sponsor ay ang sumusunod: Glecelyn Cabañog ng LGU Midsayap at UNO contractor Association; Mary Irish Postrado ng Notre Dame of Midsayap College; Jeanneth Sebavia ng CWL, DPWH, Legion of Mary St. Anthony at Bankers Association; Micky Rose B. Magtabog ng knights of Columbus, Mother Butler Devine Mercy God the Father, Infanians at Apostolado; Andie Mae Rustia ng BNP, I-link, RCC at Pesante Hospital; Dyannara Basadre ng CFC at St. Jude College; Nieva Grace Siat ng 6 Districts Poblacion, Kimagango, Upper Bulanan, Salunayan, San Isidro at Sadaan; Alvy Jean B Recian ng Department of Education at ang panghuli na si Jacky Mae Zamora ng St. Mary’s Academy at PRC marketing.

Ang nasabing patimpalak ay isa sa mga highlights ng Halad Festival sa papalapit na kapistahan ni Sr. Sto Niño at sa pakikipagtulungan ng Sto. Niño Parish at SK Federation ng naturang bayan. (Randy Yap)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento