(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 16,
2013) ---Pansamantalang sinuspende ang klase ngayon sa University of Southern
Mindanao matapos ang ginawang kilos protesta ng mga raliyesta sa harap ng USM
Main gate.
Kahapon ng tanghali ay binarikadahan ng mga
raliyesta ang harap ng entrance ng USM gamit ang malalaking sasakyan bukod pa
sa paghaharang din sa mga estudyanteng papasok sana sa kanilang klase, dahil sa
binarikadahan din ngmga ito ang entry at exit ng USm sa bahagi ng IMEAS at
Machinery.
Bagama’t may mga kaunting tensiyon na
naganap kahapon, pinawi naman ng security force ng USM na nasa maayos na
kalagayan ang lahat ng mga estudyante ng USM at mga faculty at staff, makaraang
ipinatupad ng USM security force ang maximum tolerance sa lugar.
Sa isang panayam ng DXVL News sa nasabing
grupo sigaw pa rin nila na bumababa sa pwesto ang Pangulo at mga iba’t-ibang
paratang sa kanyang liderato.
Pero iginiit naman ni Executive Vice
President Dr. Antonio Tacardon na sa halip na magsagawa ng kilos protesta ang
mga ito ay maghain na lamang ng kaso kontra sa Pangulo at idadaan sa tamang
proseso.
Una na ring sinabi ng Pangulo ng Pamantasan
na bahagi lamang ito ng demokrasya pero isantabi sana ng mga ito ang personal
na interes.
Samantala, nasa harap pa rin ng USM Main
gate ang mga raliyesta hanggang sa mga oras.
Kahapon ay tinungo rin nina Supt. Leo Ajero,
hepe ng Kabacan PNP para tiyaking nasa maayos pa rin ang ginagawang protesta ng
mga ito, nabatid na marami na umanong mga paglabag ang nasabing raliyesta.
Kungsaan ginagawan na ito ngayon ng
rekomendasyon ng opisyal, nakipag-usap na rin si Supt. Ajero sa mga organizer
ng nasabing rally.
Samantala maging sa hanay ng mga kawani at
estudyante, hati ang kanilang opinion at reaksiyon hinggil sa krisis na
nangyayari ngayon sa Pamantasan.
Ikatlong araw na ngayon ng kilos protesta
kung kaya’t agad na sinuspendi ang pasok sa loob ng Pamantasan para wala
umanong madadamay na mga estudyante.
Sinira din ng mga ito at sinunog ang mga
tarpaulin na nakakabit sa harap ng Pamantasan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento