Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Task Force Dulay, binuo para sundan ang kasong pagpatay kay Vice Mayor Pol Dulay


(Kabacan, North Cotabato/ January 14, 2013) ---Binuo na ng Kabacan PNP sa koordinasyon ng Criminal Investigation and Detection Group  o CIDG sa pamamagitan ng Regional PNP 12 ang Task Force Dulay para tutukan ang nangyaring pagpaslang kay Kabacan Vice Mayor Policronio Dulay.

Sinabi ni P/Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP na ang nangyari kay Vice Mayor Dulay ay pasok sa standard operating procedure ng PNP na magbuo agad ng task force ego bastat’t elected official ang napatay.

Ito makaraang magsagawa ng case conference ang mga otoridad ng gabi ng Biyernes nu’ng mangyari ang insedente.

Kung matatandaan, isang tama ng kalibre 45 pistola ang tumapos sa buhay ni Kabacan vice mayor Policronio Dulay noong alas 3:00 ng hapon sa Kabacan, Cotabato.

Naganap ang pamamaril sa harap ng Allan’s bookstore na nasa USM Avenue.

Ayon sa isang tagapamahala ng nasabing establisiemento, nabatid na bumili ng kandila ang opisyal at paglabas nito ng tindahan at papasakay na sana sa kanyang zusuki scooter na may plakang 8028 ON nang barilin ng suspek. Isang bala ang tumama sa kanang tagiliran ng biktima habang may isang pang balang hindi pumutok ang narekober ng mga otoridad.

Bulagta si vice-mayor sa mismong tabi ng kaniyang motorsiklo na kung pagbabatayan ay papasakay pa lamang ito.

Samanatala, maging sa hanay ng Pambansang Pulisya ay kinondena rin nila ang pamamaslang sa opisyal, kungsaan panawagan naman ni Ajero sa publiko at sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na makipagtulungan sa kanila kung may nalalaman sa nasabing pangyayari.

Sa ngayon magpapalabas si Kabacan Mayor George Tan ng P200,000.00 para sa ikadarakip ng suspek sa pagbaril patay kay Vice Mayor Pol Dulay. (Rhoderick BeƱez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento