(Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2013)
---Ipinalabas ng DBM, DILG, DSWD, at NAPC ang isang joint memorandum patungkol
sa mga hakbang o guidelines sa polisiya ng implementasyon ng bottom-up
budgeting para sa paghahanda ng 2014 budget.
Ang nasabing memorandum ay ipapatupad upang
maisakatuparan ang MDG o Millenium Development Goals ng pamahalaan na mabawasan
ang kahirapan sa bansa.
Nanguna sa nasabing workshops ang National
Anti-Poverty commission kasama si Municipal Interior and Local Government
Officer Jasmin Musaid.
Layunin ng programang ito na maibaaba ang
porsiyento ng mga mahihirap na mamamayan mula sa 26.5% pababa sa 16.6%. Target
naman itong maisakatuparan sa taong 2015.
Isinasagawa ang bottom-up budgeting upang
mas maging eksakto at makatotohanan ang mga gagawing plano ng mga ahensiya sa
kanilang taunang budget. Ang matitipid na gastos sa bottom-up budgeting ay siya
namang gagamitin para sa katuparan ng Millenium Development Goals.
Saklaw ng memorandum na ito ang iba’t ibang
ahensya gay ng DA, DAR, DEPED,DOE, DENR,
DOH, DILG, DOLE, DSWD, DOT, DTI, TESDA, at NEA. Kasama rin ang mga alkalde at
mga miyembro ng sanggunian ng iba’t ibang mga siyudad at munisipalidad na pokus
ng programa sa buong bansa. (John Ancheta)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento