(USM,
Kabacan, North Cotabato/ January 17, 2013) ---Maghahain ng motion for
reconsideration sa USM Board of Regents ang grupo ng mga raliyista na
pinamumunuan nina Dr. Alimen Sencil, Mr. William dela Torre at sampung iba pa
para ipawalambisa ang mosyon ng board na nagsasaad ng reappointment ni USM Dr.
Jesus Antonio Derije.
Sa kopya
ng motion for reconsideration na ipinarating sa DXVL Radyo ng Bayan,
ipinaliwanag ng mga ito kung bakit nais nilang mairekonsidera ang desisyon.
Nang
magsagawa ng special meeting sa tanggapan ng Commission on Higher Education sa
Metro Manila, anim ang bumuto pabor habang 3 naman ang hindi pumabor sa
panibagong 4 year-term ng Presidente.
Batay sa
dokumento, nais nilang kwestyunin ang nangyari umanong pagpapalabas sa silid
kung saan isinasagawa ang botohan kay Honorable Ronald Pascual na nakapanumpa
nang bagong faculty Regent na nagrerepresenta sa USM Faculty. Si Regent Pascual
ay hindi pinayagang makaboto nang wala man lamang umanong sapat at balidong rason.
Dahil
umano sa ginawang ito ng board ay nawalan ng tinig ang Faculty Association
bilang isa sa mga pangunahing stakeholders ng pamantasan.
Pinagtatakhan
din umano ng grupo na sa tatlong bumuto ng NO, apat ngayon ang nagsasabing NO
ang kanilang naging boto na imposible umanong mangyari.
Kabilang
sa mga bumoto ng NO sina Hon. Regent Jose Tuburan ng private sector at Regent
Jalvi James Gaspan, student representative na kapwa pinaniniwalaan ng grupo na
talaga ngang bumoto ng NO. Ang nakakalito anila, sina DOST Regional director
Zenaida Raof Laidan at Alumni representative Regent Cedric Mantawil ay
nagsasabi ring NO rin ang kanilang naging boto.
Muli ring
ipinaliwanag ng mga ito ang principle ng majority vote na ang ibig sabihin ay
50% plus one.
Nalabag
din umano ito dahil ang kabuuang bilang na bumubuo ng Board ay 11.
Anila ang
50% nito o kalahati nito ay 5.5 individuals plus 1 equals 6.5 pero ito raw ay
equivalent to 7 dahil wala naman raw kalahating indibidwal.
Ibig
sabihin raw nito, ang 6 votes pabor sa re-appointment ni Dr. Derije ay hindi
majority vote.
Maliban
dito, isinantabi umano ng Board ang samo’t-saring ebedensiya na graft and corruption
laban kay Dr. Derije sa kabila ng mga complaints in inihain ng iba’t-ibang
personalidad sa pamantasan.
Nabigo
rin umanong i-require ng USM BOR si Dr. Derije na isumite ang lahat ng
clearances at requirement para sa kanyang re-appointment batay sa umiiral na
Civil Service Commission Law.
MAlinaw
umano itong pag-abuso sa kapangyarihan ni Dr. Derije dahil dapat umanong
naipresenta ang lahat ng mga dokumentong ito sa USM Board bago nagkaroon ng
halalan.
Umaasa
naman ang kanilang grupo na pagkatapos ng kanilang gagawing deliberasyon ay
maglalabas ng order ng USM Board na magpapawalambisa sa re-appointment ng
Pangulo at ang pagsasagawa ng eleksyon para sa bagong Presidente sa lalong
madaling panahon. (Allan Guleng Dalo)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento