(Kidapawan City/ January
15, 2013) ---Mahigit sa walong daang libong pisong cash, 2 tseke na
nagkakahalaga ng P 22,447 at 4 na mga relo ang tinangay ng mga di kilalang
suspect mula sa Davao Central Warehouse Club sa Quezon Boulevard, ang
pinakamalaking department store sa lungsod ng Kidapawan.
Ayon kay Kidapawan City
Police Director Supt. Joseph Semillano, nakapasok ang mga magnanakaw matapos
butasin ang gilid na bahagi ng Central Warehouse gamit ang hydraulic jack.
Posibleng gabi pa ng
Sabado hanggang madaling-araw noong Linggo sinimulang butasin ng mga suspect
ang gusali.
Binuksan ng mga suspect
ang pintuan ng manager’s office at agad ding sinira ang vault doon kung saan
nakatago ang nabanggit na halaga.
Hindi naman isinasantabi
ni Semillano ang anggulo ng inside job dahil wala raw palatandaan na may forced
entry sa opisina ng manager.
Hindi rin pinalampas ng
mga magnanakaw ang UCPB ATM sa ground floor ng Central Warehouse at sinira ito
saka tinangkang buksan ang vault pero nabigo.
Iniwan ng mga suspect
ang ginamit na hydraulic jack, drilling screw, screw drivers, steel saw,
diagonal fliers at ilang pirasong kahoy.
Nasa kustodiya ito
ngayon ng Scene of the Crime Operatives o SOCO para sa kaukulang imbestigasyon.
Ang Central Warehouse ay
ilang metro lamang ang layo mula sa Community Outpost Sector 1 sa Quezon
Boulevard.
Patuloy pa ang
imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa naganap na nakawan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento