(Pikit, North Cotabato/ January 6, 2014) ---Patay ang isang barangay kagawad matapos na
pagbabarilin ng mga di pa nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng
armas sa Provincial road sa brgy. Ladtingan, Pikit, North Cotabato alas 2:00 ng
hapon nitong Sabado.
Kinilala ni PCInps.
Joeffrey Todeno, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Teng Dimacali, konsehal ng
brgy. Tapodoc, Aleosan, North Cotabato at residente ng nasabing lugar.
Nagtamo ng malubhang
tama ng bala ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito na naging
dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Naisugod pa si Dimacali
sa pinakamalapit na bahay pagamutan pero di na ito umabot pa ng buhay.
Patuloy pa ngayon ang
imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo sa nasabing pamamaril. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento