Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

22-anyos na estudyante ng USM, nabalian matapos maglaro ng Basketball

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 6, 2015) ---Labis ang pasasalamat ng isang pamilya ng isang estudyante ng USM na libreng inihatid ng Kabacan LGU Ambulance sa South Cotabato Provincial Hospital sa Bayan ng Marbel sa nasabing probinsiya kahapon.

Ayon kay Mindanao Youth Center Boarding House Executive Pastor Elmer Antipolo. 

Ito pagkatapos na mabalian ng boto ang isang estudyante na kinilalang si Matin Kuyan, 22 anyos, USM Bachelor of Science in Agriculture Major in Agronomy Student, at residente ng T’boli South Coatabato dahil sa paglalaro ng basketball sa loob MYC Boarding House sa Sunset Drive, Poblacion sa bayan ng Kabacan alas kwatro ng hapun kamakalawa.


Dagdag pa opisyal na agad isinugod sa USM hospital ang biktima ngunit hindi rin agad malapatan ng agarang lunas at di rin sila makapagdisisyon dahil hinihintay pa nila ang disisyon ng kaniyang mga kapatid na siyang nag papaaral nito dahil kung ooperahan ang kanyang braso ay malakilaking halaga ang kakailanganin dahil ni wala man lanag itong PhilHealth.

Napag alamang walang kamag anak ang biktima ditto sa bayan ng Kabacan at kahapun ng hapun ay nag disisyon ang mga kapatid nito na kung maari ay doon nalang ito ipapagamot sa kanilang lugar sapagkat mas mapagtutuunan nila ito ng pansin sa kanilang Lugar.

Agad huminge ng tulong si Pastor Elmer sa LGU para humiram ng ambulansiya at agad naman ito dumating.

Alas 5:00 ng hapun kahapun ay dumating sa South Cotabato Provincial Hospital ang biktima.

Sa hiwalay na panayam ng DXVL News sa nakakatandang kapatid ng biktima na kinilalang si Tina Tiwan laking pasasalamat nito sa LGU of Kabacan sa pagpapahiram ng ambulansiya.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento