Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagkaubos ng mga forms sa Kabacan Municipal Civil Registrar ipinaliwanag

(Kabacan, North Cotabato/ March 3, 2015) ---Ipinaliwanag ni Kabacan Municipal Civil Registrar head Gandy Mamaluba ang pagkaubos ng mga forms sa municipal civil registrar. 

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Mamaluba na for inspection na umano ang mga forms na ipapadala. 

Dagdag pa niya na ginagawan nila ng paraan ang naturang problema. 

Nanawagan din siya sa mga mamamayan na intindihin ang sitwasyon dahil hindi sa level ng munisipyo ang may pagkukulang kundi sa level mismo ng National Statistics Office o NSO.

Dagdag na paliwanag din ni Mamaluba na quarterly nagbibigay ng form ang NSO at pinaghahati hatian ng ibat ibang bayan sa North Cotabato at dipende rin sa populasyon ng bayan.

Mas marami rin umanong sineserbisyuhang mamamayan ang Kabacan civil registrar dahil marami ditong ipinapanganak na  mga bata na galing sa mga karatig bayan tulad ng Carmen at dito din umano tinatakbo sa Kabacan ang mga  namamatay.

Ipinaliwanag din ni Mamaluba ang mga basic requirements upang makakuha ng birth certificate tulad ng brgy certificate at joint affidavit of birth.

Samantala isa din sa dahilan ng pagkukulang ng mga forms ang pagkuha ng mga estudyante ng birth certificate na requirement sa board exam, ang kumukuha ng death certificate at mga late registration ng birth certificate.

Isa din daw umano sa pagtaas ng registration sa birth certificate ay ang pagpasok ng 4Ps, at sa death certificate naman ay dahil sa programa ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. na libreng kabaong at ang mga biktima ng regimeng Marcos.


Nasa transition din daw umano ang opisina ng NSO dahil sa pag merge ng tatlong opisina. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento