Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Trysikad Drayber, utas sa onsehan sa droga



By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 2, 2015) ---Pinaniniwalaang onsehan sa droga kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang trysikel drayber sa Sitio Lote, Brgy. Kayaga ng bayan ng Kabacan, North Cotabato dakong alas 9:30 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PCI Ernor Melgarejo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Junarie Buisan Kamsa, 32-anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay.


Sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho umano ng biktima ng kanyang Kawasaki Bajaj na motorsiklo na may plate no. 2777 MV na may cab at may Body No. 1264 ng biglang pinagbabaril ng mga tatlong di pa nakikilalang salarin sakay sa isang motorsiko.

Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan kung kaya’t isinugod pa ito sa pinakamalapit na bahay pagamutan pero di na ito umabot pa ng buhay.

Narekober sa crime scene ang 6 na basyo ng bala ng kalibre 45 na pistol.

Agad nagsawa ng dragnet opearation ang Kabacan PNP ngunit nag negatibo ito.

Malaki ang paniniwala ng Kabacan PNP na drug related ang motibo sa nasabing pamamaril matapos marekober sa posisyon ng biktima ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento