Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sigla ng pagsasaka, muling nanumbalik dahil sa programang farm mechanization ng Department of Agriculture – DA Sec. Alcala

By: Brex Bryan Nicolas

(Tupi, South Cotabato/ March 4, 2015) ---Tila nanunumbalik na ang interes ng mamamayang Pilipino sa pagsasaka dahil sa programang farm mechanization ng Department of Agriculture (DA).

Ito ang sinabi ni DA Sec. Proceso Alacala sa harap ng libu-libong mga magsasaka, mga opisyal at ng mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka sa isinagawang turn over ceremony ng farm mechanization na isinagawa sa Tupi Seed Farm, Bololmala sa bayan ng Tupi, South Cotabato kahapon.

Sinabi ng kalihim na simula ng maupo si Pangulong Aquino ang average age ng Filipino farmers ay 57 years old, ngunit sa pinakabagong survey noong nakaraang taon ng Philippine Statistics  Authority, ay bumata na sa edad na 43 years old.

Ibig sabihin umano nito, may mga mas bata nang myembro ng lipunan ang nagkakaroon ng special interest sa agrikultura sapagkat may nararamdaman na ang lipunan na malaking pagbabago at kaginhawaan dahil sa patuloy na pamamahagi ng farm equipment sa mga magsasaka.

Nanguna si Alcala sa ginanap na turn over ceremony ng farm mechanization o ang pamamahagi ng mga farm machines, post harvest facilities at ilan pang farm equipment sa mga magsasaka ng SOCCSKSARGEN region .

Kabilang na rin dito ang pagpapaganda ng farm to market roads ng ilang bayan, pagsasaayos ng irrigation system at pamimigay ng pondo sa ilang mga benipesyaryo sa rehiyon.


Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng P 995, 398, 608. 55 na pormal na ibinigay sa benipesyaryo kahapon  sa Tupi seed farm, Bololmala, Tupi, South Cotabato. 

Sinabi ni DA Regional Executive Director Amalia Jayag-Datukan na ang nasabing mga equipment at ilan pang proyekto sa pagsasaka ay malaking tulong upang lalo pang mapaangat ang pagsasaka sa Rehiyon. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento