(Kabacan,
North cotabato/August 3, 2012) ---Maswerteng nakaligtas sa karit ni kamatayan
ang isang negosyante na taga-Kabacan makaraang barilin ito ng di pa nakilalang
suspek alas 4:30 kahapon sa loob ng Public Market.
Kinilala ng
pulisya ang biktima na si Frank Graza nasa tamang edad.
Ayon sa
report, pumalya umano ang baril na ginamit ng suspek makaraang di ito pumutok.
Narekober
ng mga pulisya mula sa crime scene ang live ammunition ng .45 na caliber
pistol.
Ang suspek
ay naka-suot ng helmet na mabilis namang tumakas matapos ang pangyayari, ayon
sa report. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento