(Kabacan, North Cotabato/July 31, 2012) ---Patay
ang isang 25-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang
suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng baril sa harap ng kanyang pwesto
malapit sa Raymunds Bakeshops, Rizal St., National Highway, Kabacan, Cotabato
alas 12 ng tanghali kanina.
Kinilala ni Supt. Raul Supiter, hepe ng
Kabacan PNP ang biktima na si Joel Bita, 25 taong gulang, may asawa at may ari
ng Xyris Cellphone Repair and Accessories Shop at residente ng Brgy. Dagupan ng
bayang ito.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa kanan
at kaliwang bahagi ng dibdib at tiyan nito na mabilis namang isinugod sa
Kabacan Medical Specialist subalit ilang sandali lamang ang lumipas ay binawian
na rin ito ng buhay.
Sa ngayon patuloy na iniimbestigahan ng mga
otoridad ang motibo ng nasabing pamamaril.
Samantala, sa kabila ng panibagong insidente
ng pamamaril sa Kabacan na ikinasawi ng isang 25-anyos na negosyante na si Joel
Bita agad namang pinawi ngayon ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang
pangamba ng publiko hinggil sa kasalukyang kinakaharap na peace and order ng
Kabacan.
Aniya, bagama’t malaking banta sa seguridad
ang nasabing insedente, sa kabuuan kontrolado naman nila ang katahimikan sa
bayan.
Kung susumahin, abot na sa sampu ang
pinaslang sa Kabacan sa loob lamang ng buwang ito, pero sa sampung insedente walang
pang naresolba ang mga otoridad, ito dahil sa ayaw magsalita ng mga saksi sa
pang yayari.
Ayon sa pinakahuling report na nakuha ng
DXVL Radyo ng Bayan ngayong hapon, nabatid na ang suspek sa panibagong
pamamaslang ay sakay umano sa isang kulay pula na Kawasaki single motorcycle
papalayo patungo sa direksiyon ng Kayaga erya.
Hanggang sa mga oras na ito ay patuloy pang
inaalam ng Kabacan PNP ang motibo sa nasabing pamamaril.
Posible umanong mga gun for hire ang mga
suspek.
May mga anggulong tinitingnan ang mga
otoridad kabilang na dito ang hold-up pero, premature pa ito para ibunyag
habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon.
Sa kabila nito, umaapela naman si Supiter sa
mga pamilya o mismong biktima ng nasabing pamamaril sa Kabacan na makipagtulungan
sa kanila.
Tinukoy pa ng opisyal ang nangyaring ambush
sa boundary ng Dagupan at Aringay kamakalawa kungsaan biktima dito ang
magpinsan na sina Carl at Ringo Soriano na maswerte namang nakaligtas sa
nasabing ambush.
Aniya, umatras na umano na magsampa ng kaso
o ipursige dahil sa takot umano sa kanilang seguridad.
Pero ayon sa opisyal mas lalong gagawa ng
krimenalidad itong mga masasamang loob kung walang may maglakas loob na
magsumbong sa pulisya ng mga responsible sa nasabing insedente.
Samantala , patuloy
namang tinutugis ng mga otoridad ang isang Toyota Pick-up Elf ang naka-hit and run sa isang estudyante
ng Katidtuad High School sa bahagi ng Katidtuan National Highway alas 7:00
kaninang umaga.
Ayon kay P/Insp. Tirso Pascual sa panayam
ng DXVL News ngayong umaga, patuloy na pinaghahanap na nila ngayon ang nasabing
sasakyan na posibleng may plate # na PGG 108, PJJ108, PGG 109, PJJ 109, PGG 509
at PJJ 509.
Panawagan ngayon sa publiko na kung makita
po ninyu ang nasabing sasakyan batay sa mga pagkakakilanlan ng mga nabanggit na
plate #’s ay agad na ireport sa himpilan ng pulisya dahil sa ang nasabing
sasakyan ay nakabangga ng isang estudyante at agad namang tumakas sa di
malamang direksiyon.
Kinilala ng pulisya ang nabangga na biktima
na si Marilou Rosaldo, 3rd year High School nag-aaral sa nabnggit na eskwelahan
at resident eng Carmen, North Cotabato. (Rhoderick Beñez)
Pusang Kano! sino ba sumulat ng blog na ito at parang wala sa sarili. sukat ba namang sinulat pa "mismong biktima sa pamamaril ay makipagtulungan sa pulis" Letse, gusto pa gawing zombies mga pinapatay sa pamamaril...
TumugonBurahinBooh Tet,
TumugonBurahinNext time if you would like to post comments read well the news item first. Ang ibig nyang sabihin sa mismong biktima ay makipag-ugnayan sa pulis ay yong mga buhay na biktima ang makipag-ugnayan. Alangan naman yung mga patay ang makipag-ugnayan sa pulis? Nakakahiya naman sa mga buhay na biktima.Mag effort pa talaga sila na makipag-ugnayan, hindi ba pweding hayaan nalang nati na magpahinga ang mga kaluluwa nila?