(USM, Kabacan, North Cotabato/May 3, 2012)
---Bagama’t hinihikayat ang full payment sa pagbabayad ngayong enrollment dito
sa University of Southern Mindanao.
Nilinaw naman ni USM Pres Dr. Jess Derije na
pwede namang magbayad ng 50% kapag di kaya ang babayarang matrikula.
Ayon sa pangulo, maari naman umanong kumuka
ng waiver sa College Dean upang mapahintulutan na makapag-enroll ng 50% lamang ang
babayaran sa matrikula.
Bagaman pinahihintulutan ang pagbabayad ng
limampung porsiento, isang daang porsiento naman ang dapat na babayaran sa
miscellaneous fee dahil ayon sa Pangulo ay kakailanganin ito ng mga estudytante
sa laboratory activity nila.
kanyang programa kaninang umaga na USM
ngayon at bukas na mapapakinggan na ng mas maaga mula 5:30-6:00 ng umaga Lunes
hanggang Biyernes dito sa DXVL Radyo ng bayan.
Una dito ang USM ay hindi magtatas ng
matrikula sa kabila ng pagpayag ng Commission on Higher Education sa 222 mga
pribado at pampublikong kolehiyo at unibersidad sa bansa.
Ayon sa Pangulo nandito ang USM na handang
tumulong sa bawat mag-aaral nito. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento