(Alamada, North Cotabato/May 2, 2012) ---Matapos
madiskubre ng mga lokal na residente ng brgy Dado, Alamada amgh kagandahan ng
kung tawagin ay asik-asik falls, dinarayo na ngayon ito ng mga turista.
Photo courtesy by: Ferdinand Cabrera |
Sa pangunguna ng Provincial government,
nagsagawa kahapon ng ocular inspection sa asik-asik falls kungsaan nakita ng
mga opisyal ang kagandahan ng lugar.
Inihayag ni North Cotabato Governor Emmylou Lala
Taliño Mendoza na napakalaki ang potensiyal ng asik-asik falls bilang isa sa
mga pangunahing tourist attraction sa lalawigan.
Sa report ni PPALMA News Correspondent
Roderick Bautista, binigyang diin ng gobernadora na kinakailangang
mapanatili ang kalinisan ng lugar nang mapreserba ang angking ganda ng asik
asik falls.
Sinabi naman ni Executive Assistant to the
Governor Ralph Ryan Rafael at Tourism TWG focal person na makikipagtulungan ang
provincial government sa LGU Alamada upang magkaroon ng mekanismo at patakarang
sisiguro sa kalinisan ng nasabing potential tourist spot.
Nakatakda namang magpulong ang prov’l TWG sa
susunod na linggo upang pag-usapan ang mga susunod na hakbangin kaugnay ng
Asik-asik falls tourism development project.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento