Kabacan Terminal Complex |
Una
naring ipinag-utos ni P/SSupt. Cornelio Salinas, Cotabato Police Provincial
director ang pagsisiyasat sa mga bagahe na papasok o palabas ng mga terminal upang
di makalusot ang mga improvised Explosive Device I IED na siyang ikinakarga sa mga
sasakyan partikular na sa mga bus.
Sinabi
pa ni Supiter na maliban sa mga police Personnel na nakabantay sa lugar ay may
mga CVO at mga BPAT naman na tumutulong sa pagmonitor sa terminal araw-araw.
Aminado
naman ang opisyal na kulang ang kanyang tauhan para bantayan ang buong lugar.
Bagama’t
may mga natatangap itong mga intelligence report hinggil sa diumano’y mga
ipapakalat na improvised Explosive Device, pinawi naman ang pangamba ng
mamamayan at sa halip ay pinayuhan din nito ang publiko na maging vigilante at
agad ireport sa kinauukulan ang anumang mga hinininalang bagay o tao.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento