(Kabacan,
North Cotabato/April 29, 2012) ---Humaba ng abot sa 8 hanggang 10 oras na total
black-out ang nararanasan sa service area ng Cotelco simula ngayong buwan ng
Abril, ito dahil sa 30 araw pa bago maaprubahan ng Energy Regulatory Commission
o ERC ang hiling ng cotelco na dagdag na load dispatch mula sa Therma Marine
Incorporated o TMI.
Ito
ayon kay Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez dahil nitong April 2 ng
kasalukuyang taon lamang sila nag-aaply sa ERC ng dagdag na 8 megawatts bilang
pandagadag na supply sa nararanasang power crisis sa Mindanao.
Ginawa
ng opisyal ang pahayag matapos lumabas ang mga balita na inayawan ng diumano ng
AboitizPower at Therma Marine Inc. (TMI)
ang kahilingan ng Cotelco na bumili ng 8MW.
Matatandaang noong Miyerkules, April 25, lumabas ang ilang ulat na pumalya ang negosasyon sa pagitan ng kooperatiba at AboitizPower at TMI.
Matatandaang noong Miyerkules, April 25, lumabas ang ilang ulat na pumalya ang negosasyon sa pagitan ng kooperatiba at AboitizPower at TMI.
Ayon
pa sa mga naturang ulat humingi ang TMI ng P4 milyon na security deposit at advance
payment na P14 milyon.
Sa panayam ng DXVL – Radyo ng Bayan, nilinaw ni GM Homez na hindi sila sinisingil ng TMI ng P16.11 sa bawat kilowatt hour na suplay ng kuryente kundi, nananatili ito sa P9 per kwh na kapareho sa charges ng TMI sa lahat ng ka-kontratang mga kooperatiba.
Sa panayam ng DXVL – Radyo ng Bayan, nilinaw ni GM Homez na hindi sila sinisingil ng TMI ng P16.11 sa bawat kilowatt hour na suplay ng kuryente kundi, nananatili ito sa P9 per kwh na kapareho sa charges ng TMI sa lahat ng ka-kontratang mga kooperatiba.
Karaniwan na rin umano sa mga kaparehong kasunduan ang pagbabayad ng security bond.
Aniya, dahil sa madalian ang pangangailangan ng Cotelco hiniling nito sa Energy Regulatory Commission (ERC) na payagan silang makipagkontrata sa TMI ng 8MW na walang provisional authority mula sa ERC na agad naman umanong inaprubahan ng ERC.
Dahil sa kawalan ng provisional authority, wala aniyang legal na otoridad ang Cotelco na magpataw ng karagdagang singil sa kuryente sa mga consumers kung kaya’t hindi rin sigurado na mababayaran ng kooperatiba ang TMI, dahilan kung bakit napag-usapan ang prepaid system.
Sa kasalukuyan nakararanas ang North Cotabato ng hanggang walong oras na rotational brownout araw-araw.
Sa
umaga, abot sa limang oras ang black-out sa mga service area ng cotelco at
tatlong oaras naman kung gabi na minsan ay di naman nasusunod ang schedule.
Inaasahang
bahagyang bubuti ang sitwasyon sa pagtatapos ng rehabilitasyon ng Pulangi IV
hydropower plant na itinakda naman sa Mayo 17. (Rhodz Benez\Danilo Doguiles-PIA
12)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento