(Amas, KidapawanCity/ December 18, 2013)
----Kumukutikutitap ang mga makukulay na Christmas lights na mistulang isang
kaharian na palasyo ang Amas Provincial Capitol sa Amas, Kidapawan city tuwing
gabi.
Ito ang mapapansin ng mga dumadaan sa
napakagandang ilaw at mga palamuti na inilagay sa palibot ng Provincial Capitol
na nagiging tourist attraction sa probinsiya.
Hindi lamang mga gusali ng kapitolyo na
pinailawan ng Christmas lights kundi maging ang mga halaman sa harap ng
Provincial Capitol.
Ayon sa provincial government ang napakagandang
Christmas lights ay sumisimbolo ng pag-asa matapos ang mga unos at mga
problemang kinakaharap ng probinsiya.
Ang nasabing Christmas ayon kay Gov. Lala
Mendoza ay bilang pag-alala sa pagkasilang ng tagapagligtas na si Hesus Kristo
dalawang libung taon na ang nakakaraan.
Dito naman sa USM, kumukutikutitap, makulay
at maganda rin ang inihandang mga Christmas decors ng University Student
Government sa Paskuhan sa USM na nasa harap ng University Administration
Building.
Samantala nagtapos na rin kahapon ang
dalawang araw na Faculty Meet na tinaguriang Hilayamet 2013 sa University of
Southern Mindanao kungsaan nakuha ng:
1st –Unit III
2nd place – IV
3rd place –II
4th
place – I
Rhoderick
Beñez
Mga
sundalo, sabay na nagsagawa ng Christmas caroling ngayong kapaskuhan
SABAY na nagsagawa ng mobile Christmas caroling ang mga miembro
ng 57th Infantry Battalion at Parent-teacher Association (PTA) officers ng
Batasan National High School sa Makilala, North Cotabato.
Ayon kay 57th IB Charlie Company Captain
Manuel Gatuz, bahagi ito ng selebrasyon ng family day at Christmas party ng
nasabing paaralan.
Abot sa sampung libong piso ang kanilang
nalikom mula sa mga piling personalidad sa Makilala at Kidapawan City.
Ipinaliwanag ni Gatuz na ang aktibidad ay
tanda ng pagkakaisa ng mga sundalo at mamamayan.
Pagpapakita rin umano ito sa namumuong
tiwala ng mga residente sa kanilang layuning maibahagi ang tunay na kapayapaan
at kaunlaran sa lugar.
….
ISINUSULONG NGAYON NG Barangay Council ng
Kisante, Makilala, North Cotabato ang pag-semento ng 3.5 kilometer patungong
Sitio Concepcion.
Ayon kay Barangay chair Anatalio Abeng,
hihilingin ng barangay government kay Cotabato Gov. Emmylou Mendoza ang
kailangang pondo upang maisaayos ang naturang kalsada.
Samantala, nangako naman si Abeng na
bibigyang prioridad niya ang mal-functioning street lights sa sentro ng
barangay dahil naniniwala siyang bukod sa mapaganda ang lugar, magsisilbi rin
na crime deterrent ang street lights.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento