Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Iwas Paputok Campaign ng RHU Kabacan kaagapay ang DOH, inilunsad na

(Kabacan, North Cotabato/ December 15, 2013) ---Kasabay ng pag-diriwang ng Yuletide Season, inilunsad na rin ngayon ng Rural Health Unit ng Kabacan katuwang ang Department of Health-Center for Health Development Region XII ang IWAS Paputok campaign.

Ayon kay Municipal Health Officer Sofronio Edu, Jr layon ng kanilang kampanya na ipabatid ang panganib na dala ng mga firecrackers at iba pang mga pyrotechnics.


Sa isang kalatas ng DOH, marami umano sa mga kabataan ang nakakabili ng nasabing mga paputok na naging sanhi na lumulubong bilang ng mga casualties dala ng pagpapaputok ng firecrackers.

Kaugnay nito, katuwang ng RHU Kabacan ang DXVL sa pagpaalala sa publiko na:
UMIWAS SA DISGRASYA:
·         Mapanganib ang paggamit ng paputok
·         Lahat ng paputok ay bawal sa bata
·         Lumayo sa mga taong nagpapaputok
·         Huwag mamulot ng di sumabog na paputok
·         Magpagamot agad kapag naputukan.

LIGTAS NA PAGDIRIWANG:
·         Itaguyod at makilahok sa Community Fireworks Display
·         Mag diwang ng ligtas kasama ang pamilya
·         Lumikha ng ingay gamit ang ibang bagay tulad ng torotot, busina, musika, lata, atbp.
·         Makisaya sa ibang paraan tulad ng street party, concert, palaro, atbp.
·         Matuto sa mga aral ng nakaraan at magsimula nang maayos na buhay sa Bagong Taon.


Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento