(Carmen, North Cotabato/ December 14, 2013) --- December Matagumpay na isinagawa ang bidding para sa proyektong gusali na itatayo sa mga pampublikong paaralan na apektado ng magnitude 5.7 na lindol sa Carmen, North Cotabato nitong Hunyo.
Ayon kay Cotabato Schools Division Assistant Superintendent Romelito Flores sisimulan na sa susunod na taon ang pagtatayo ng nasabing mga gusali.
Ang mga gusaling itatayo ay kinabibilangan ng anim na classrooms sa Kimadzil Elementary School, tatlong silid-aralan para sa Kibudtungan High School at dalawa naman para sa Kilabao Elementary School.
Ayon kay Flores, ang Kimadzil Elementary School ay isasailalim sa total replacement na ipapatupad ng DepEd base na rin sa lumabas na resulta ng isinagawang assessment ng mga building experts.
Aniya, nananatili sa kanilang mga temporary learning centers ang karamihan sa mga klase ng mga apektadong paaralan na nauna ng pinagbawalang gamitin dahil sa sirang tinamo nito.
Tiniyak rin ng DepEd na typhoon at earthquake resistant ang itatayong pasilidad upang masigurong ligtas ang mga estudyante at guro. Rhoderick Beñez
DXVL Staff
...
Mga paaralang apektado ng lindol sa Carmen, North Cotabato, patatayuan na ng bagong gusali
Sabado, Disyembre 14, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento