Written by: Roderick
Bautista
Punong-puno
ang Notre Dame University o NDU gymnasium sa Cotabato City nang ganapin ang
Search for Mister and Miss ND Fest 2013 nitong Biyernes ng gabi, a-6 ng
Disyembre.
Isa
sa mga naging highlight ng pageant night ay ang pagsusuot ng mga kalahok ng iba’t-
ibang kasuotan na ginawa ng local designers ng lungsod.
Tampok
sa nasabing patimpalak ang makukulay at naggagandahang continental attire,
casual wear at formal wear.
Nakuha
ng College of Business and Accountancy sa male category ang best continental
attire na halaw sa mga Aborigine tribes ng Australia habang nasungkit naman ng
College of Arts and Sciences sa female category ang best continental attire na
may temang ‘los carnavales’.
Ayon
kay ND Fest Pageant Organizer Anwar Razzed, nais nilang mabigyan ng oportunidad
ang mga local designer na maipakita ang kanilang angking galing sa pamamagitan
ng aktibidad na ito.
Sang-ayon
naman dito si Azlan Abobakar na kabilang sa mga organizers ng aktibidad. Aniya,
binibigyang pagkakataon din umano ang mga kabataan at iba’t- ibang grupo, kapwa
Muslim at Kristiyano, na maibahagi ang kanilang talento sa larangan ng fashion.
Patunay
lamang umano ito na nagkakaisa ang mga kabataan kahit nagkakaiba man ang
kultura at paniniwala.
Anim
na kuponan ang aktibong kalahok sa ND Fest ngayong taon na kinabibilangan ng College of Engineering Phoenix, College of
Health Sciences Angels, College of Business and Accountancy Tigers, College of
Computer Studies Red Warriors, College of Arts and Sciences Wizards, at College
of Education Eagles.
Ang
NDFest 2013 ay inorganisa ng NDU Supreme Student Government sa
pakikipagtulungan ng I-Touch Reka Agency.
Tema
ng selebrasyon ngayong taon ay, “Set forth in Faith with New Ardor and New
Expressions for the Youth.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento