(Kabacan, North Cotabato/ December 13, 2013)
---Apat na mga Sitios sa bayan ng Kabacan ang ngayon ay benepisyaryo ng Sitios
Electrification Program ng Department of Energy o DOE.
Ito ang sinabi ni COTELCO Spokesperson
Vincent Baguio kabilang na dito ang Sitio Lagundungan sa Magatos; Purok
Tagumpay ng Pisan; Sitio Kibales ng Kayaga at Purok Magalao ng Magatos.
Inaasahang abot sa 30 mga households ang
mabibiyaan ng pailaw sa nasabing programa ng Pamahalaang Nasyunal.
Una dito sinabi ni Baguio na patuloy pa rin
umanong makakaranas na isa hanggang isa at kalahating oras na load curtailment
ang service area ng Cotelco kada araw depende aniya sa load dispatch na
ipapataw ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP dahil sa power
deficiency.
Kaugnay nito, abot na ngayon sa higit siyam
na piso ang bawat kilowatt hour ang singil ng kuryente dahil sa pinaghalong
private barge mula sa generation ng kuryente na pinagkukunan ng Cotelco. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento