(Kabacan, North
Cotabato/ December 12, 2013) ---Patuloy ngayon ang panawagan ng Pamahalaang
Lokal ng Kabacan sa mga di pa nakakabayad ng kanilang Real Property Tax na
mag-avail ng tax amnesty program sa mga may penalidad o tax delinquent.
Ayon kay Municipal
Assessor Magdiolena Esteban na ang nasabing programa ay hanggang sa December
31, 2013 na lamang.
Nagsimula ang amnesty
program sa tax penalty noong pang July 1, 2013, ayon kay Esteban.
Maaaring mapakinabangan
ang abot sa 80 porsientong kabawasan sa bayad sa penalty tax kung maasikaso ang
bayarin na hindi lalagpas sa susunod na taon.
Aniya, makipag-ugnayan
lamang sa kanilang opisina para matulungan ang mga ito sa pag-proseso ng
kanilang mga papeles at sumangguni sa Municipal Treasurer’s Office sa kanilang
bayarin at hanapin lamang si Municipal Treasurer Priscilla Quinones.
Samantala ngayon pa
lamang ay inihahanda naman ng Municpal Assessor ng Kabacan ang Market Value ng
Urban Land at Agricultural Land para sa gagawing General Revision sa taong
2016.
Ito ay para maihanda
nila ang kaukulang halaga sa bawat Real Property Tax at ito ay ipapasa nila sa
Sanggunian para sa nakatakdang public hearing bago aprubahan ng konseho.
Nakapaloob sa Urban Land
ang residential, commercial at industrial na pag-aari at ang mga kahalintulad
nito habang kabilang naman sa Agricultural Land ang: Rice Lowland with
Irrigation, Rice Upland, Coconut Land, rubber Land at mga kapareho nito. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento