(Kabacan, North Cotabato/ December 12, 2013)
---Naghain ngayon ng isang resolusyon sa Sanggunian si Kagawad Jonathan Tabara,
may hawak ng committee on agriculture hinggil sa paglilipat ng NABCOR sa pangangalaga
ng LGU.
Ang resolution No. 2013-222 ay humihiling
kay DA Secretary Proceso Alcala sa pamamagitan ni Regional Executive Director
Amalia Jayag Datukan na i-turn-over sa LGU Kabacan ang operation at maintenance
ng NABCOR-Kabacan.
Ito dahil sa napipintong pag-abolish o
pagtanggal ng Pamahalaang Nasyunal dahil sa kinasasangkutang kontrobersiya.
Ayon kay Tabara kung maililipat sa
pangangalaga ng LGU ang NABCOR, malaking tulong ito para sa mga mag-sasaka.
Una, makakalikha ito ng trabaho lalo na sa
mga magsasaka at makaka-generate ng dagdag kita para sa lokal na Pamahalaan.
Nabatid na ang NABCOR ay dating nasa ilalim
ng Government Owned and Controlled Corporation o GOCC, pero kamakailan ay
inilipat sa National Government ang operation nito.
Matatandaang nahaharap din ang nasabing
ahensiya sa isang kontrobersiya matapos na masangkot sa P10B Pork Barrel Scam. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento