(Kabacan, North Cotabato/ December 15, 2013)
---Ipinapaalam ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco sa mga naputulan ng
serbisyo ng kuryente dahil sa di nakakabayad ng power bill mula buwan ng
Oktubre 2013 na maari ng maka-avail ng serbisyo ng kuryente na di na maaaring
bayaran ang surcharge.
Ito ayon kay Cotelco General Manager Engr.
Godofredo Homez batay sa Cooperative’s Policy Bulletin No. 0218.
Babayaran lamang umano ng mga konsumante ang
kanilang unpaid power bill account at agad na ibabalik ang serbisyo ng
kuryente, ito bahagi ng pakikiisa ng Cotelco ngayong kapaskuhan.
Ang nasabing programa ay bahagi ng paglaban
sa Anti-Pilferage Act of 1994 o Republic Act 7832. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento