Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Naglalakihang aktibidad tampok sa Halad Festival 2014

Written by: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ December 17, 2013) ---Pinaghahandaan na ng Halad sa Sto. Niá¹…o Festival Executive Committee ang mga pangunahing programa sa selebrasyon ng kapistahan ngayong darating na January 2014.

Maliban sa Indakan sa Kadalanan street dancing competition, tampok ang iba pang naglalakihang aktibidad tulad ng concert, fashion show, sporting events at fun run.


Inihayag ni Halad 2014 Executive Committee Chairperson Rolly Sacdalan na darating ang bandang Rocksteddy upang magtanghal sa bisperas ng kapistahan.

Ang konsiyerto ay pangungunahan ng It’s Showtime host at Kapamilya network talent na si Teddy Corpuz kasama ang kanyang bandang Rocksteddy.

Handog din ng festival organizers ang Halad Festival Run na naglalayong makalikom ng karagdagang donasyon para sa rebuilding efforts sa Visayas. 

Magtatagisan naman ng galing sa pagrampa ang mga kalahok sa Fashion to Fame 2014 kasabay ang presentasyon ng mga kasuotang gawa ng local designers sa bayan at mga kalapit lalawigan.

Samantala, magpapasiklaban ang basketball teams ng iba’t- ibang barangay, ahensya, at kabataan sa Halad 2014 Basketball League.

Sinabi rin ni Sacdalan na sisimulan ang week-long celebration ng Halad Festival 2014 sa pamamagitan ng Opening Salvo na idadaos sa a-10 ng Enero sa susunod na taon.


Bahagi umano ng pambungad na programa ang obserbasyon ng Diamond Anniversary ng parokya at ang paglulunsad ng Cotabato Province Centennial Celebration. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento