Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

11-anyos na Math Wizard na tubong Kabacan, wagi ng 2nd place sa Math Olympiad sa China

(Kabacan, North Cotabato/ August 10, 2015) ---Naiuwi ng isang 11-anyos na Math Wizard na tubong Kabacan, North Cotabato ang second place sa katatapos na math Olympiad na isinagawa sa Hangzhou, Zhejiang, China kamakalawa.

Isa si Janna Michaella Oliva ng Precious International School of Davao ang nakakuha ng 2nd place sa individual category ng nasabing patimpalak.

Si Oliva ay grade 5 pupil ng nasabing paaralan at anak ni Sir Jun Oliva at apo ni dating USM President Virgilio Oliva.

Malaking karangalan hindi lamang sa Kabacan kundi maging sa buong bansa ang nakamit ni Janna.

Suportado naman ng kanyang pamilya si Janna at balak nitong kumuha ng kursong may kinalaman sa matematika sa pagkolehiyo nito, ayon kay Sir Jun Oliva, ang ama ni Janna.

Napag-alaman na ang Pilipinas ay nasa second place sa over-all ranking nito kungsaan nakakuha ito ng 7 gintong medalya, 24 ng silver medal at 38 na bronze medal.

Nanguna ang China sa nasabing competition sinundan ng Pilipinas, Hongkong, Thailand at Macau.

Agad namang nag-paabot ng kanyang pagbati si Simon Chua, president of the Mathematics Trainers Guild Philippines (MTG) sa lahat ng mga elementary students buhat sa Pilipinas sa nasabing tagumpay na natamo. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento