Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

SB Kabacan, nagpasa ng resolusyon na nagpapahintulot kay Mayor Guzman na magpalabas ng pondo upang bayaran ang nalalabing utang ng Brgy. Poblacion sa Street Lights ng Cotelco

(Kabacan, North Cotabato/ August 14, 2015) --- Nagpasa ng resolusyon si SB Member Kagawad Roseman Mamaluba hinggil sa pagbibigay ng pahintulot kay Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr. na magpalabas ng pondo mula sa LGU upang mabayaran na ang nalalabing utang ng Brgy. Poblacion Council sa COTELCO sa Street Lights.

Ito ang isinaad ni Councilor Rhosman Mamaluba sa panayam ng DXVL News Team sa nangyaring regular na session kahapon.


Anya, ito umano ang aksiyon ng Alkalde sa pakikipagtulungan ng SB sa matagal nang problema ng Street Lights na naturang lugar.

Umaasa naman ang opisyal na masosolusyonan na ang nasabing problema
upang hindi maisaalang-alang ang kaligtasan ng mga tao sa Poblacion.

Matatandaang huminge ng saklolo si Brgy. Poblacion Kapitang Mike Remulta sa hiwalay na panayam ng DXVL sa LGU Kabacan na bayaran ang nasabing natitirang utang.

Sa kanila umanong pag-uusap ng opisyal at pamunuan ng COTELCO na hindi umano marereconect ang mga street lights kapag hindi buong mabayaran ang utang na nagkakahalaga ng mahigit kalahating milyong piso.

Matatandaang nagpalabas narin ng paunang pambayad ang LGU Kabacan ng P300,00 na ngayon ay nasa pondo na ng Brgy. Poblacion. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento