(Kabacan, North Cotabato/ August 11, 2015)
---Magsasagawa ng public hearing at project presentation ang Kabacan Water
District o KWD hinggil sa planong pagtaas ng singil sa bayarin ng tubig sa bayan
ng Kabacan.
Sa panayam ng DXVL News kay KWD General
Manager Ferdie Mar Balungay inihayag nitong gaganapin ang public hearing sa
Agosto 26 alas nuebe ng umaga sa municipal gym.
Ipinaliwanag ni Balungay na ang pagtataas ng
singil sa tubig ay sa susunod pa na taon 2016, buwan ng Abril.
Aniya, mahigit sampung taon na na hindi
nagkaroon ng water rate adjustment ang KWD mula taong 2005 hanggang sa
kasalukuyan ay 157 pesos ang minimum rate ng KWD.
Patuloy umano ang pagtaas ng mga bilihin at
mga gastusin kung kaya’t kailangan ng magkaroon ng pagtaas sa singil.
Paliwanag pa niya na sa susunod na taon ay
11% ang itataas ng singil kaya mula sa 157 pesos na minimum rate ay magiging
175 pesos na ito.
Inihayag din ng opisyal na 19 baranggay na
sa 24 baranggay ng Kabacan ang naseserbisyuhan ng KWD. Limang brgy na lang
umano ang di pa naabot ng KWD ang Brgy. Buluan,Simone,Simbuhay, Tamped at
Nangaan.
Ang katatapos lamang umano na naabot ng
serbisyo ng tubig ay ang Sitio Trenta ng Brgy. Pedtad at kasalukuyan umano
ngayong tinatrabaho ang serbisyo ng KWD sa Brgy. Sanggadong.
Sa kalatas na inilabas ng Kabacan Water
District ay isa sa may pinaka mababang singil ng tubig sa buong Mindanao ang
Kabacan Water Distict. Rhoderick Beñez/Christine
Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento